Home NATIONWIDE Higit 8,000 pasahero stranded sa hagupit ni Ada

Higit 8,000 pasahero stranded sa hagupit ni Ada

209
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 8,827 pasahero, driver at cargo helper ang stranded sa iba’t-ibang daungan bunsod ng epekto ng bagyong Ada.

Sa later update ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 40 daungan na sa buong bansa ang apektado ng bagyo mula alas 8 ng umaga hanggang 12 ng tanghali ngayong araw.

Kasama rin sa mga naapektuhan at hindi makabiyahe ang 3,089 rolling cargoes, 24 barko, at 7 motorbancas.

Samantala, 72 barko at 35 motorbancas ang naghanap ng kanlungan bilang pag-iingat sa mga epekto ng masamang panahon.

Paalala ng PCG sa publiko, alamin ang updated advisories hinggil sa umiiral na sama ng panahon upang hindi maantala ang kanilang mga biyahe at paglalayag.

Nananatili namang nakabantay ang mga sub-stations at districts ng PCG sa mga lugar na apektado ng bagyong Ada para sa ligtas at maayos na paglalayag ng mga pasahero at sasakyang-dagat. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here