Home NATIONWIDE Ex-OFW at bestfriend, tiklo sa buybust sa Bataan

Ex-OFW at bestfriend, tiklo sa buybust sa Bataan

246
0

BATAAN-Timbog sa mga awtoridad ang isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) na kalauna’y naging tulak umano ng ipinagbabawal na droga at kasamang maaresto ang kasabwat nitong matalik na kaibigan at kalugar sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Barangay Happy Valley, Dinalupihan.

Batay sa ulat ni Dinalupihan Municipal Police Station Chief of Police Lt.Col. BJorn John Labos Kay Central Time Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio PeƱones Jr., kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na sina alyas “Bader”, 33 anyos, target sa operasyon at kasabwat nitong si alyas “Komar”, 42 anyos, na kapwa residente sa naturang lugar.

Sa report, nadakip ang mga suspek na magkasabwat umanong nagbenta ng shabu sa undercover police.

Giit ng target na suspek na aminado sa naging iligal na gawain, nagawa lang daw niyang pasukin ang pagtutulak ng iligal na droga, dahilan na rin sa kawalan ng trabaho ng hindi na nakabalik sa abroad at para daw masuportahan ang pangangailangan ng kanyang kalive-in at mga anak.

Aminado din ang mga suspek sa paggamit ng shabu, kung saan abot-abot ang pagsisisi ng mga ito lalo na’t ngayon pa lamang daw nila masusubukan ang mabilanggo.

Narekober sa mga mag-bestfriend na suspek ang ilang pakete ng suspected shabu na may timbang na 4.83 grams at standard drug price na higit P32,000 at marked money na ginamit sa buybust.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa laglabag sa mas pinaigting na Dangerous Drug Law. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here