WASHINGTON — Base sa ulat ng Bloomberg News noong Sabado, nais ng administrasyong Trump na magbayad ang mga bansa ng $1 bilyon upang manatiling miyembro ng ipinapanukalang “Board of Peace,” batay sa isang draft charter.
Sinabi sa ulat na si Pangulong Donald Trump ang magiging unang chairman ng board, at ang bawat miyembrong bansa ay tatagal nang hindi hihigit sa tatlong taon, na maaaring i-renew ng chairman. Hindi naman agad napatunayan ng Reuters ang ulat.
Samantala, tinawag ng White House na “misleading” ang ulat ng Bloomberg at sinabi na walang minimum membership fee para sumali sa “Board of Peace.”
Idinagdag nito sa X na ang board ay magbibigay ng “permanent membership to partner countries who demonstrate deep commitment to peace, security, and prosperity.”
Iginiit naman ang U.S. State Department sa mga naunang post sa social media ni Trump at ng kanyang special envoy na si Steve Witkoff, na hindi nagbanggit ng $1 bilyong halaga. RNT