Home ENTERTAINMENT Rica, sumagot sa isyung pagnanakaw!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Rica, sumagot sa isyung pagnanakaw!January 19, 2026 12:322810 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Hindi pinalampas ni Rica Peralejo ang pasaring ng isang netizen na“pinipitik” umano nito ang tithes ng kanyang simbahan.Ang asawa ni Rica na si Joseph Bonifacio ang pastor ng sarili nitong simbahan–ang No Other Name church.Dati ring pastor si Joseph sa pinagmulang Christian congregation.Rica shared on Instagram Threads a screenshot of the netizen’s comment.Tahasang iginiit ni Rica na meron siyang sariling pera–katas ng kanyang pinagtrabahuhan.By comparison daw, ‘di hamak na mas malaki ito kesa sa ipon ng kanyang mister o ng simbahan niya.In a separate post on Facebook, inamin ni Rica na “pinatulan” niya ang netizen whose slur ay parehong “nakakatawa” at “walang basehan.”Walang katotohanan daw ang paratang na ninanakaw niya ang tithes ng simbahan–and for this ay hindi siya natitinag.Advantage daw niya ang pagiging artista na sanay na sa intriga, hence, she’s hardly affected.Sinula’t sapul daw ay hindi siya mapupulaan tulad ng gustong palabasin ng accusing netizen–kahit tanungin pa daw ang kanilang mga churchmates.Sa katunayan, modest o simple lang ang pamumuhay nilang mag-asawa:“Happy na kami na ang kotse ng asawa ko, eh, Tamaraw FX!”Tiniyak ni Rica na transparent ang nangangasiwa ng finances ng kongregasyon.Well-accounted for daw ang mga pumapasok na tithes o donasyon.Inire-report nga daw ito ng kanilang finance team sa mga nagre-request nito.“Hindi money-making ang goal nito, kaya hindi din kami nanghihingi ng pera sa aming church services,” giit ni Rica.Paniniyak pa niya: “We don’t keep the money and make ourselves rich…we give it away to those who need it!”Sa ngayon, Rica earns from being a digital content creator–while her husband has multiple income streams.Klaro? Ronnie Carrasco III