Home ENTERTAINMENT Direk Darryl, tinubos ang alahas ng follower!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Direk Darryl, tinubos ang alahas ng follower!January 19, 2026 13:322840 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – May kakaibang paraan para ipagdiwang ni direk Darryl Yap ang kanyang kaarawan.Ito’y sa pamamagitan ng pagtulong sa isa niyang masugid na follower who’s struggling in life.On Facebook, direk Darryl shared his birthday present for himself.Tinubos lang naman niya ang alahas ng isa niyang follower to the tune of P72k.“Birthday gift ko sa sarili ko this 2026,” he wrote.Kagyat naman niyang nilinaw na hindi ‘yon pagmamayabang o magpapapansin to earn admiration.“Hindi ito kayabangan. Hindi rin ito para ipamukha ang pagtulong,” he stressed.Dama daw kasi ni direk Darryl ang umaasa sa sanglaan bilang sagot sa pinansyal na dalahin.“Pay it forward,” katwiran pa niya.Samantala, kamakailan ay bumawi ang kontrobersyal na direktor sa kanyang maling gawain sa isang honesty store sa Batanes noong 2018.After eight years, direk Darryl returned to the store to rectify his mistake.Magaan na ngayon ang kanyang pakiramdam that it’s finally off his chest. Ronnie Carrasco III