Home HOME BANNER STORY Unang impeachment complaint vs PBBM, “Dead on Arrival” sa Kamara

Unang impeachment complaint vs PBBM, “Dead on Arrival” sa Kamara

254
0

MANILA, Philippines – Ayon kay Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay “dead on arrival” sa House of Representatives.

Sinabi ni Adiong na ang reklamo, na inihain noong Lunes ni abogado Andre de Jesus laban sa pangulo dahil sa graft, korapsyon, culpable violation ng Konstitusyon, at betrayal of public trust, ay mahina, walang matibay na ebidensya, at malabong umusad sa Kamara.

Aniya, ang mga akusasyon ay walang bagong ebidensiyang makakatagal sa pagsusuri ng Konstitusyon.

Binanggit din niya na impeachment ay isa sa pinakamataas na kapangyarihang konstitusyonal ng Kongreso at hindi dapat gawing political tool o publicity stunt.

“Ang complaint na ito ay tila ginawa para sa media consumption kaysa sa seryosong pagsusuri ng Konstitusyon. Ang Kamara ay hihingi ng substansya, at sa pagkakataong ito, malinaw na wala,” dagdag ni Adiong.

Wala ring House investigation, subpoenaed documents, o smoking-gun proof na ipinakita, ayon sa kongresista.

Aniya, ang vague assertions at political dissatisfaction laban kay Marcos ay hindi tumutugma sa pamantayan ng Konstitusyon para sa impeachment.

Sinabi ni Adiong na malabong makarating sa plenaryo para sa boto ang complaint. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here