Home NATIONWIDE 30 toneladang relief materials ibinigay ng India sa mga biktima ng lindol...

30 toneladang relief materials ibinigay ng India sa mga biktima ng lindol sa Pinas

281
0

MANILA, Philippines – Nagbigay ang India ng 30 toneladang relied materials sa Pilipinas para sa mga biktima ng lindol at bagyo noong nakaraang taon, ayon sa embahada ng India.

Ang donasyon ay iniabot sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa isang seremonya sa Clark Air Base.

Kasama sa tulong ang 6.5 toneladang mahahalagang gamot at medikal na kagamitan, pati na ang dignity kits, sleeping mats, heavy-duty tarpaulins, at mga materyales para sa pansamantalang tirahan.

Isa sa mga pangunahing item ay ang BHISHM Cube, isang portable hospital na madaling maipapadala upang magbigay ng agarang tugon sa sakuna, kabilang ang medikal na pangangalaga at on-site surgeries.

Dumating ang tulong noong Lunes sakay ng Indian Air Force C-17 Globemaster III, isang buwan matapos tanggapin ng Pilipinas ang alok ng India.

Sinabi ng embahada na ang donasyon ay isinagawa kasabay ng koordinasyon sa mga ahensiya ng Pilipinas at nakaayon sa mga pangangailangan ng bansa.

Tinamaan ang Pilipinas ng malalakas na lindol noong huling bahagi ng 2025 at sunod-sunod na malalakas na bagyo, kabilang ang Typhoon Tino at Super Typhoon Uwan.

Inihayag ng India ang pakikiisa sa mga Pilipino at sinabi nitong patuloy itong magiging unang tumutugon sa humanitarian assistance sa Indo-Pacific sa ilalim ng MAHASAGAR vision. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here