Home HOME BANNER STORY Mundo nahaharap sa “Global water bankruptcy” – UN report

Mundo nahaharap sa “Global water bankruptcy” – UN report

258
0
NAGLALAKIHANG alon ang humahampas sa Navotas seawall dahil sa lakas ng hangin dala ng bagyong Uwan. JOJO RABULAN

MANILA, Philippines – Papasok na ang mundo sa isang yugto ng “global water bankruptcy,” kung saan mas mabilis nang nauubos ang mga ilog, lawa at aquifer kaysa sa kakayahan ng kalikasan na mapunan ang mga ito, ayon sa ulat na inilabas nitong Martes ng United Nations University Institute for Water, Environment and Health (UNU-INWEH).

Ayon sa ulat, ilang dekada ng labis na paggamit, polusyon, pagkasira ng kapaligiran at presyur ng climate change ang nagtulak sa maraming water system lampas sa puntong maaari pang maibalik. Sinabi sa ulat na “Water stress and water crisis are no longer sufficient descriptions of the world’s new water realities,” dahil ang mundo ay nasa isang “new phase” na.

Iminungkahi ng UNU-INWEH ang terminong “water bankruptcy” upang ilarawan ang kalagayang mas mataas ang pangmatagalang paggamit ng tubig kaysa sa resupply, at labis ang pinsalang dulot sa kalikasan na hindi na makatotohanang maibalik ang dating antas.

Makikita ito sa patuloy na pagliit ng malalaking lawa, sa mga pangunahing ilog na hindi na umaabot sa dagat sa ilang bahagi ng taon, at sa pagkawala ng humigit-kumulang 410 milyong ektarya ng wetlands sa nakalipas na limang dekada.

Binanggit din ang matinding groundwater depletion, kung saan tinatayang 70 porsiyento ng mga pangunahing aquifer na pinagkukunan ng inuming tubig at irigasyon ang may pangmatagalang pagbaba ng antas, kasama ang pagdami ng mga “day zero” crisis o mga panahong mas mataas ang demand kaysa suplay. Pinalala pa ito ng climate change, na nagdulot ng pagkawala ng mahigit 30 porsiyento ng glacier mass ng mundo mula 1970 at ng seasonal meltwater na inaasahan ng daan-daang milyong tao.

Ayon kay UNU-INWEH director at may-akda ng ulat na si Kaveh Madani, makikita ang epekto ng krisis sa lahat ng tinatahanang kontinente, bagamat hindi lahat ng bansa ay nakasailalim sa water bankrupt.

Batay ang ulat sa umiiral na datos at layong muling tukuyin ang kalagayan ng tubig sa buong mundo, gamit ang isang peer-reviewed na pag-aaral na ilalathala sa journal na Water Resources Management.

Ayon kay WaterAid chief executive Tim Wainwright, “captures a hard truth: the world’s water crisis has crossed a point of no return,” bagamat may ilang siyentipiko ang nagbabala na iba-iba ang sitwasyon sa bawat lugar at maaaring hindi makita ang lokal na mga positibong pagbabago. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here