Home METRO 3 bebot na tulak, tiklo sa P2M tobats

3 bebot na tulak, tiklo sa P2M tobats

221
0

CAMP OLIVAS, PAMPANGA — Timbog sa mga awtoridad ang tatlong babae na umano’y mga tulak ng ipinagbabawal na droga at masamsam sa mga suspek ang nasa P2-milyon halaga ng hinihinalang shabu matapos mahulog sa patibong sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Calipahan, Talavera, Nueva Ecija.

Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr.

Kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na sina alyas “Jeria,” 38, at “Ara,” 25, na kapwa mga taga-Quezon City, at alyas “Julie,” nasa wastong gulang na taga-General Tinio, Nueva Ecija.

Sa ulat, nadakip ang mga suspek makaraang maaktuhan umanong magkakasabwat sa pagbebenta ng shabu sa undercover police.

Nasamsam sa mga suspek ang ilang pakete ng suspected shabu na may standard drug price na abot sa P2-milyon at ang marked money na ginamit sa buy-bust.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga naarestong suspek na nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. Roel Tarayao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here