Home METRO Ninenok na 154 selpon sa Sinulog, narekober ng awtoridad

Ninenok na 154 selpon sa Sinulog, narekober ng awtoridad

251
0

CEBU – Narekober ng pulisya sa Cebu City ang 154 na mobile phones na pinaniniwalaang ninakaw, kabilang ang mga nawala sa panahon ng Sinulog Festival, mula sa isang cellphone repair shop sa Leon Kilat Street.

Sinabi ng Cebu City police chief Col. George Ylanan na nagsimula ang operasyon matapos humingi ng tulong ang apat na nagreklamo na nawalan ng telepono noong festival.

Gamit ang “find me” feature, natunton ng mga awtoridad ang mga aparato papunta sa repair shop na nagbebenta rin ng secondhand gadgets.

Natagpuan ng mga opisyal ang apat na backpack na puno ng smartphones na itinago sa ikalawang palapag ng tindahan, kabilang ang mga telepono ng apat na nagreklamo.

Inaresto ang isang indibidwal na pinaniniwalaang may-ari ng shop dahil sa anti-fencing o reselling ng ninakaw na gamit.

Ani Ylanan, maaaring ninakaw ang mga teleponong narekober sa mismong festival o ilang araw bago ito.

May mga indibidwal na nagpunta na sa Cebu City Police Office upang i-check at kunin ang kanilang mga nawalang telepono.

“Here in Cebu City, it is not just up to blotter. We will find, we are doing intensive follow-up operations,” ani Ylanan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here