Home NATIONWIDE Ex-DPWH chief Bonoan, mahihirapan nang makalabas muli ng Pinas

Ex-DPWH chief Bonoan, mahihirapan nang makalabas muli ng Pinas

186
0

MANILA, Philippines – Hindi na basta-basta papayagang makaalis ng bansa si dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan dahil sa kasong plunder.

Ayon kay Justice spokesperson Atty. Polo Martinez, ito ay dahil mas hihigpitan ng DOJ ang pagbabantay sa galaw ng dating kalihim.

Noong nakaraang taon, nakakaalis pa ng bansa si Bonoan dahil wala pa itong kinakaharap na kaso kaya pinayagan pa itong magtungo sa Amerika para sa pagpapagamot ng kanyang misis.

Ayon kay Justice spokesperson Atty. Polo Martinez, hindi agad siya papayagang makaalis ng bansa dahil sa kasong plunder na kinakaharap niya, kung saan kapwa akusado si Senator Jinggoy Estrada.

Sa pag-iisyu ng hold departure order (HDO) laban kay Bonoan, sinabi ng DOJ na premature pa sa ngayon ang pag-iisyu nito dahil hindi pa naiaakyat sa korte ang kaso.

Ayon sa DOJ, ang huwes ang may karapatang mag-isyu nito.

May karapatan pa ring umalis ng bansa si Bonoan habang nananatili ang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO), pero nilinaw ng DOJ na sisiguraduhin nilang sasagot siya sa mga kasong ipinupukol sa kanya sa prosekusyon.

Ani Martinez, na-assign na rin sa mga prosecutor ang nasabing plunder case laban sa dating kalihim, at nakatakdang isyuhan ng subpoena ngayong buwan.

Si Bonoan ay co-accused ni Senator Jinggoy Estrada kaugnay pa rin sa maanomalyang flood control project.
Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here