Home NATIONWIDE Pagkalos sa travel tax, mga mambabatas na bahala – DOT

Pagkalos sa travel tax, mga mambabatas na bahala – DOT

241
0

MANILA, Philippines — Pinauubaya na ng Department of Tourism (DOT) sa mga mambabatas ang desisyon kung dapat bang alisin ang travel tax na ipinapataw sa mga Pilipinong umaalis ng bansa, at sinabi nitong kailangang tukuyin ng Kongreso ang alternatibong pondo para suportahan ang mga programa sa turismo at imprastruktura.

Sinabi ni DOT Secretary Maria Christina Frasco sa Kapihan sa Manila Prince forum noong Miyerkules na ang Pilipinas ay nasa ika-69 na pwesto sa 117 ekonomiya pagdating sa tourism infrastructure development.

“We have a lot more to catch up on, but we need the funds to improve tourism infrastructure,” ani Frasco. Idinagdag niya na ang pondo para sa bagong tourism roads ngayong 2026 ay nabawasan, at humigit-kumulang P3 bilyon lamang ang inilaan para sa mga nagpapatuloy na proyekto.

Ayon kay Frasco, patuloy na pinapalakas ng DOT ang promosyon sa mga pangunahing merkado at pinagtitibay ang koordinasyon sa mga stakeholder, lalo na ang mga lokal na airline, upang madagdagan ang kapasidad at mapababa ang pamasahe. “We have to remain competitive if we are to increase our numbers into the country,” ani Frasco.

Sa parehong forum, tinugon ni Frasco ang mga batikos sa kanyang paglabas sa isang magazine cover at sa madalas na paglabas ng kanyang larawan sa social media ng DOT. Ipinaliwanag niya na may hiwalay na corporate at marketing platforms ang ahensya, at maaaring dahil sa tuloy-tuloy niyang trabaho mula nang siya ay itinalaga kaya siya madalas na lumalabas sa pahina ng DOT.

Iginiit din ni Frasco na hindi niya ginagamit ang DOT para sa politiking dahil wala siyang “ambisyon” na tumakbo sa anumang pambansang posisyon. “I suspect that the accusation of self-promotion derives from that idea na tatakbo ako. Hindi po ako tatakbo, nandito lang ako para magtrabaho,” ani Frasco. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here