Wari’y ito ang pabuntong-hiningang nasambit ni Kris Aquino matapos niyang maitawid ang pinagdaanang minor procedure.
Inamin kasi ni Kris na sa gitna ng procedure ay tumigil daw ang kanyang paghinga sa loob ng dalawang minuto.
On Instagram, ikinuwento ni Kris ang tungkol sa kanyang Peripherally Inserted Central Catheter (PICC) Line insertion.
Ito’y kung saan isang manipis na tube ang ini-insert sa isang ugat para magkaroon ng access sa “larger veins” malapit sa kanyang puso.
Ginagamit ito para mas madaling maglagay ng gamot o liquid nutrition sa pasyente.
Nagpasalamat si Kris sa pagkakaroon ng “faith that God will make all things possible.”
Hindi pa daw niya napoproseso ang PICC Line procedure pero sa pagkakaalam daw niya: “almost 2 minutes when my lung stopped functioning—I stopped breathing.”
Nang magising daw siya, Kris saw people’s faces lit up na nagpapahiwatig na ligtas siya.
At the recovery room, na-realize daw ni Kris at ng anak na si Bimby na she owes her life to the public.
Ginamit pa ni Kris ang lyrics ng sikat na Beatles’ song na “Let It Be.”
Supposedly, January 12 ang schedule ng procedure kay Kris.
Pero ipinagpaliban ito as her blood pressure surged.
Sinisisi niya ang kanyang migraine.
Patuloy pa rin ang medications ni Kris to address her autoimmune diseases na nagdulot ng matinding pasanin sa kanya mula pa noong 2021.