Home NATIONWIDE M-5.3 na lindol yumanig sa Sultan Kudarat

M-5.3 na lindol yumanig sa Sultan Kudarat

216
0

MANILA, Philippines – Yumanig ang isang magnitude 5.3  na lindol sa karagatan sa labas ng Sultan Kudarat ngayong Miyerkules ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan ng lindol na nangyari bandang 9:33 ng umaga sa lalim na 10 kilometro.

Ang epicenter ay nasa 06.39°N, 123.72°E, humigit-kumulang 40 kilometro timog-timog-kanluran ng bayan ng Kalamansig.

Iniulat ng ahensya na naitala ng mga instrumento ang Intensity IV sa Lebak, Sultan Kudarat. Wala ring inaasahang aftershocks at pinsala, dagdag ng PHIVOLCS. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here