Home NATIONWIDE Impeachment vs PBBM, nasa House Speaker na para desisyunan

Impeachment vs PBBM, nasa House Speaker na para desisyunan

198
0

MANILA, Philippines – Ang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay naipadala na sa Tanggapan ng House Speaker para sa angkop na aksyon, ayon kay House Secretary General Cheloy Garafil nitong Miyerkules.

Sinabi ni Garafil na ang paglipat ng dokumento ay “marks the start of the chamber’s internal process in performing its constitutional mandate.”

Dagdag pa niya, isinunod ng Office of the Secretary General ang nakatakdang pamamaraan sa pamamagitan ng pagpapasa ng beripikadong reklamo kay Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III.

Ang reklamo ay isinampa noong Enero 19 ni abogado Andre de Jesus at inendorso ni House Deputy Minority Leader at Pusong Pinoy Party-list Rep. Jett Nisay.

Ito ang kauna-unahang impeachment complaint na isinampa laban kay Marcos mula nang manumpa siya noong Hunyo 30, 2016.

Iginiit ni De Jesus na nilabag ni Marcos ang Konstitusyon at nagtaksil sa tiwalang publiko dahil sa pagsuko kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

“We are putting to question…holding the President accountable for number one, allowing a citizen of the country to be whisked away, kidnapped, without due process, despite the functioning courts in our country,” pahayag niya sa mga reporter.

Naaresto si Duterte noong Marso 2025 dahil sa umano’y crimes against humanity kaugnay ng drug war killings noong kanyang panunungkulan. Siya ay kasalukuyang nakakulong sa The Hague at hinaharap ang mga kaso sa ICC.

Sinabi rin ni De Jesus na naaresto si Duterte nang walang wastong warrant of arrest mula sa Pilipinas.

Idinagdag niya na hindi na karapat-dapat na magsilbi si Marcos dahil sa umano’y drug addiction na nakakaapekto sa kanyang paghusga, disiplina, at moral authority.

Binanggit niya ang pahayag ng kapatid ng Pangulo na si Senador Imee Marcos, na nagsabing gumagamit ng droga ang punong ehekutibo.

Ayon kay Garafil, kapag nakatanggap ng impeachment complaint, tinitiyak ng Office of the Secretary General na ito ay maayos na naitala at naipasa sa nararapat na tanggapan. Ipinaliwanag niya ang proseso ng impeachment na nagsisimula sa House of Representatives, kung saan ang beripikadong reklamo ay dapat iendorso ng isang miyembro ng Kamara, maisama sa Order of Business sa loob ng 10 session days, at mairefer sa tamang komite sa loob ng tatlong session days.

Ang komite ay kailangang magsumite ng ulat sa loob ng 60 session days, at ang resolusyon ay ikakalendaryo ng Kamara sa loob ng 10 session days. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here