Home HOME BANNER STORY VP Sara, kinasuhan ni Trillanes, grupo ng pandarambong

VP Sara, kinasuhan ni Trillanes, grupo ng pandarambong

242
0

MANILA, Philippines – Naghain si dating senador Antonio Trillanes IV at ang civil society group na The Silent Majority ng plunder, malversation, at graft complaints laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte sa tanggapan ng Ombudsman nitong Miyerkules.

Ayon sa reklamo, umano’y nagamit nang hindi tama ang bilyon-bilyong halaga ng confidential funds at iba pang pondo publiko, na sumasaklaw sa panunungkulan ni Duterte bilang bise-mayor at mayor ng Davao City, at kalaunan bilang bise presidente at kalihim ng edukasyon.

“Tayo ay nanawagan sa Ombudsman na bigyan ng mabilis na aksyon ang mga kasong naisampa para mapanagot siya sa kanyang mga kasalanan sa ating bayan,” giit ni Trillanes.

“This is about accountability,” dagdag pa niya sa mga reporter. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here