Home ENTERTAINMENT Viva Hot Babes, bet gayahin ang Sex Bomb sa comeback concert!

Viva Hot Babes, bet gayahin ang Sex Bomb sa comeback concert!

275
0

Manila, Philippines — Hindi itinanggi ni Andrea del Rosario na big fan siya ng Sex Bomb Dancers.

Si Andrea ay dating miyembro ng Viva Hot Babes.

Dahil fan nga siya ng all-female dance group, bet ding magkaroon ni Andrea ng reunion gig ang kanyang former group.

Sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, hindi napigilang humanga ni Andrea sa sold-out gig ng Sex Bomb Dancers.

May nakausap nga raw siyang mga fans ng grupo na nakapila sa isang mall para bumili ng tickets.

May nakakilalang fan daw kay Andrea na nagtanong: “Ma’am, kelan naman po kayo?”

Sa totoo lang daw, mounting a concert tampok ang VHB is already on the planning table: “Kaso, we’re not dancers, not very good dancers. Pero nag-iisip pa kami ng gimmick!”

Ani Andrea, mga aktres daw kasi sila sa grupo o mga modelo na brought together.

Mina-manifest nga daw niya na tulad ng SBD ay magkaroon din sila ng reunion show—o mas maganda pa, maka-collab ang grupo nila sa grupo ni Rochelle Pangilinan.

“We just have to sit down one of these days. Hopefully, we can do one with them!” umaasang sabi ni Andrea.

Taong 2000 nang mabuo ang VHB, na nag-assemble rin kina Maui Taylor, Gwen Garci, Katya Santos, Sheree Bautista at iba pa.

— Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here