Home ENTERTAINMENT Tuesday, gigil much sa nagsabing ‘NPA’ ang mga taga-UP!

Tuesday, gigil much sa nagsabing ‘NPA’ ang mga taga-UP!

213
0

Manila, Philippines — Pinakawalan ni Tuesday Vargas ang kanyang nagpupuyos na galit sa isang male netizen na nagsabing mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang mga taga-University of the Philippines.

Sa kanyang Facebook post, winarningan ng TV host-comedienne ang netizen dahil sa “feeble-minded” nitong argumento.

“Do not drag the name of the school!” giit ni Tuesday, na iginiit na ang mga iskolar ng bayan ay hindi NPA members.

Nakiusap din siya sa publiko na huwag paniwalaan ang claim ng netizen: “Nakakahiya ka, kuya!”

Naisip pa ni Tuesday na i-tag ang netizen, pero nagbago ang isip.

Masagwa nga naman daw kasing pumatol sa PWD.

“Kuya naman, napakababaw ng argumento mo, at isang lupon pa ang nakikiisa sa ’yo… umayos ka!” dagdag ni Tuesday.

Sinang-ayunan naman siya ng maraming netizens.

Isa sa mga nagkomento ay nagbanggit ng 2000 campus survey para matukoy ang university-wide problem.

Problema sa parking ang lumitaw na top concern.

Kaya tanong nito: “Twenty five (years) later, ganoon pa din ang narrative tungkol sa NPA na taga-UP?”

Itinuturo naman ang mga DDS na siyang nasa likod ng lumang narrative.

Pero mga epal na pulitiko na gustong mangamkam ng lupa ng indigenous people ang dapat daw sisihin.

“I salute all iskolar ng bayan… mulat kasi sila sa tunay na estado ng buhay sa Pilipinas. Very immature to drag them, they don’t deserve it!” ayon pa sa netizen-defender ni Tuesday.

— Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here