Manila, Philippines — May reaksyon na din si Robi Domingo tungkol sa engkwentro nila ni John Lloyd Cruz sa reception ng kasal nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.
Naganap ang pag-iisang-dibdib ng dalawa noong December 23, 2025.
At the reception that followed, naganap ang muntik nang pisikalan sa pagitan nina JLC at Robi.
Good thing, cooler heads intervened.
Galing ang tsikang ito mismo sa manager-cum-vlogger na si Ogie Diaz, na siya ring nakakuha ng reaksyon ni Robi.
Ang sagot daw ni Robi sa kanya ay simpleng: “Happy New Year!” at “Ingat!”
Tsika ni Ogie: “Sabi ni Robi sa akin, ‘Tito Ogie, ano ba’ng sabi ni John Lloyd sa isang commercial? ‘Ingat!’”
Natawa na lang daw si Ogie.
“Basta ’yun, ayaw na lang mag-comment ni Robi. Idinaan na lang sa bati at ingat,” dagdag ni Ogie.
Well, it’s better that way kaysa lumaki pa ang isyu—kumbaga, Robi proves himself to be man enough to prevent it from happening.