Home ENTERTAINMENT 57th bday ni Robin, pinaghandaan ni Mariel; 2 anak, nagregalo ng bulaklak!

57th bday ni Robin, pinaghandaan ni Mariel; 2 anak, nagregalo ng bulaklak!

2
0

Manila, Philippines – Nagdiwang ng ika-57 kaarawan si Sen. Robin Padilla nitong November 23.

Ipinost ng asawa ng aktor-pulitiko na si Mariel Rodriguez ang kanyang pagbati sa social media kasama ang ilang photos taken at the simple celebration.

Post ng TV host: “Happiest birthday, my babe!!! [birthday cake and heart emojis]. Thank you for letting me do this for you because you deserve to be celebrated!

‘We are all so grateful for you and for all the love you give us.

“May God continue to bless your heart. We love you so much!”

Bale isang simpleng salu-salo ang sumalubong kay Robin gabi ng November 22 sa kanilang ancestral house sa Museo de Padilla sa Quezon City.

Naroon ang mga anak ng yumaong kapatid na si Royette, close friends at Ate Rowena ni Robin.

Paglalarawan sa naturang pagtitipon ni Mariel: “Exactly how we wanted to celebrate Robin’s birthday. Nothing grand, just the people who truly matter and who have been with us through the years.”

Bongga ang ginawang setup ni Mariel sa mesa–kung saan sa Dangwa pa daw niya binili ang mga bulaklak na galing sa naipong pera ng kanilang dalawang anak na sina Isabella at Gabriela.

Regalo daw ‘yon ng mga bagets sa kanilang “Tatay.”

Kulay green tulad ng mga halaman ang nagdomina sa okasyon–na may simpleng barbecue “Mariel style.”

Kabilang sa handa ay ang paborito ni Robin na isaw ng manok, na ayon kay Mariel: “Ohhh, what a hit…super yum and clean!”

Hindi din siyempre mawawala ang favorite steak ni Robin mula sa Cooking Ina Market, na negosyo ng lolo ni Mariel na siya na ngayon ang nangangasiwa.

Hapi bertdey, Sen. Robin! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here