Home METRO Puerto Princesa, inaasahang makapagtatala ng 42°C heat index

Puerto Princesa, inaasahang makapagtatala ng 42°C heat index

3
0

MANILA, Philippines – Inaasahang aabot sa 42 degrees Celsius ang heat index sa Puerto Princesa, Palawan ngayong Linggo, Nobyembre 29, na pasok sa danger level, ayon sa PAGASA nitong Sabado.

Puerto Princesa ang nag-iisang lugar sa bansa na inaasahang makapagtatala ng ganitong kataas na heat index.

Samantala, kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng danger-level heat index nitong Sabado ang Puerto Princesa na may 43°C, Aborlan at Cuyo sa Palawan na kapwa may 42°C, Borongan sa Eastern Samar na may 42°C, at Cotabato sa Maguindanao del Norte na may 42°C.

Nagbabala ang PAGASA na maaaring makaranas ng heat cramps at heat exhaustion ang mga taong malantad sa ganitong kataas na temperatura. Posible rin ang heat stroke.

Pinayuhan ang publiko na uminom ng sapat na tubig at iwasan ang matagal na pananatili sa labas, lalo na sa ilalim ng direktang sikat ng araw. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here