Home NATIONWIDE In-person classes sinuspinde sa mga aktibidad sa Dinagyang

In-person classes sinuspinde sa mga aktibidad sa Dinagyang

181
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ang face-to-face classes sa mga paaralan sa Iloilo City bukas, Enero 23 at Lunes, Enero 26, kaugnay sa mga aktibidad sa Dinagyang Festival.

Pinirmahan ni Mayor Raisa Treñas ang Executive Order No. 007, Series of 2026, nitong Miyerkules, Enero 21 na nagsususpinde sa face-to-face classes.

Sakop ng kautusan ang pampubliko at pribadong paaralan mula preschool hanggang senior high school, sa territorial jurisdiction ng lungsod.

Inaasahan ng lokal na pamahalaan ang matinding daloy ng trapiko, road closures, at paggamit ng ilang piling paaralan bilang billeting areas ng mga contingent na lalahok sa Dinagyang Kasadyahan sa Kabanwahanan at Dinagyang Ilomination competitions.

Libo-libong mga bisita rin ang inaasahang dadalo sa mga aktibidad sa Dinagyang.

Ang kautusan ay kasunod ng hiling ng Iloilo Festivals Foundation Inc. para sa suspensyon ng klase upang mabigyan ng pagkakataon ang mga paaralan na tumanggap ng mga contingents mula Enero 21 hanggang 26. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here