MANILA, Philippines – Bubuksan na sa susunod na buwan ang isang bagong pasilidad sa Palayan City, Nueva Ecija para sa persons deprived of liberty (PDL).
Sa pahayag ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr sa ikalawang National Decongestion Summit sa Manila Hotel, ang bagong piitan ay ibinigay ng provincial government na may sukat na 60 ektaryang lupa at joint project ng Bureau of Corrections (BuCor) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., pagsasamahin para sa isang unified penology at correctional facility ang BJMP provincial jail at BuCor Reception and Diagnostic Center.
Inaasahang kaya nitong tumanggap ng hanggang 3,000 inmates.
“Yung regionalization will push through and of course hopefully lahat ng province meron tayong unified penology and correctional facilities na kasama na kami,” sabi ni Catapang.
Magtatagal ang summit sa Biyernes na layong isulong ang mga bagong reporma at sistema para maresolba ang pagsisikip ng mga piitan sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden