MANILA, Philippines – Tinangihan ng Korte Suprema ang kahilingan na inihain ng retiradong Court of Appeals (CA) magistrate na tanggalin ang preventive suspension mula sa pag-practice ng law at ibalik ang kanyang pensyon at retirement benefits.
Sa isang pahayag nitong Miyerkules, Enero 21, sinabi ng mataas na hukuman na ibinasura nito ang mosyon para sa muling pagsasaalang-alang na inihain ng retiradong CA Associate Justice P Isaias Dicdican.
Ayon sa SC, ang preventive suspension ay hindi parusa kundi isang precautionary measure upang maiwasan ang interference sa mga kasong kriminal at administratibo laban sa kanya.
Isinangkot si Dicdican sa pagpatay kay lawyer Joey Luis Wee noong Nobyembre 23, 2020, sa Cebu City.
Ang SC ay nagpasiya na ang pension at retirement benefits ni Dicdican ay mananatiling withheld hanggang sa sumunod siya sa direktiba ng korte na mag-submit ng pensioner’s survey form at iba pang dokumento.
Inendorso ang kasong murder ng National Bureau of Investigation sa Cebu City Prosecution Office at/o sa Office of the Prosecutor General.
Matapos ihain ang kaso, iniutos ng SC ang preventive suspension ni Dicdican sa pag-practice ng law at ang paghinto ng kanyang pension at retirement benefits habang nakabinbin ang resolusyon ng kanyang administratibong kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden