Home NATIONWIDE Trillanes nakipagkita kay Madriaga bago maghain ng reklamong plunder, graft vs VP...

Trillanes nakipagkita kay Madriaga bago maghain ng reklamong plunder, graft vs VP Sara

206
0

MANILA, Philippines – Nakipagkita at nakipag-usap si dating senador Antonio Trillanes IV kay Ramil Madriaga bago maghain ng reklamong plunder, malversation at graft laban kay Vice President Sara Duterte sa Office of the Ombudsman.

Ito ay ayon mismo kay Trillanes, kung saan ang 23 counts ng mga anomalya sa Bise Presidente ay tinukoy sa reklamo kabilang ang mga alegasyon ni Madriaga na nagsabing dating aide ni Duterte.

“Nakausap ko siya, nagpaalam ako do’n sa abogado niya at sa kanya mismo. So bumista po tayo,” sinabi ni Trillanes sa panayam ng DZBB.

“Nakausap ko last week. Chineck-out ko, bago ko isinama itong allegation niya. So may mga agam-agam pa rin ako, but generally ‘yung ibang na-mention niya, nag-check out naman when I got out. So hindi lang ito ‘yung nagiimbento lang.”

Nauna nang isiniwalat ni Madriaga na ang mga drug dealer at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) umano ay nagpopondo ng campaign na Inday Sara Duterte is My President (ISIP) Pilipinas.

Ani Trillanes, si Madriaga ang dating aide ni Duterte na nagbiyahe ng malalaking bulto ng pera sa iba’t ibang lugar sa bansa mula Hulyo 2022 at Agosto 2023.

Inutusan din aniya ito ng asawa ni Duterte na si Atty. Mans Carpio na i-pick up ang magnetic lifters na may shabu.

Agad namang itinanggi ni Duterte na may personal siyang ugnayan kay Madriaga at iginiit na wala itong patunay na susuporta ng kanyang “bare allegations.”

Sinabi pa ng Bise Presidente na si Madriaga ay “acting out of desperation” para makalaya sa detention at pinagsisikapang harangin ang kanyang posibleng planong tumakbo bilang presidente.

Para naman kay Trillanes, naniniwala itong mayroon pa ring “gaps” sa mga alegasyon ni Madriaga.

“Eh kasi, he admits na talagang gumagawa naman siya ng krimen, basically. May mga ano talaga, mga gaps pa rin. But ‘yung portion ng allegation niya na siya ‘yung naghahatid nung pera, binibigyan siya ng pera at hinahatid niya, eh ‘yan ‘yung allegation niya eh at nasa position siya to commit those acts na sinasabi niya,” paliwanag nito.

Wala pang tugon si Duterte kaugnay sa isinampang reklamo laban sa kanya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here