MANILA, Philippines – Inihayag ng mga opisyal ng Espanya nitong Huwebes na umabot na sa 45 ang pinal na bilang ng nasawi sa trahedya ng high-speed train matapos makumpleto ang lahat ng autopsy.
Ayon sa CID, ang opisyal na ahensiya na nag-aasikaso ng datos kaugnay ng aksidente noong Linggo, nakilala na ang huling dalawang bangkay na narekober nitong Huwebes, kaya umabot na sa 45 ang kabuuang kumpirmadong nasawi. RNT