Home ENTERTAINMENT Sharon, naaliw sa ‘bawal magbalot’ photo!

Sharon, naaliw sa ‘bawal magbalot’ photo!

240
0

Manila, Philippines – Ikinaaliw nang bonggang-bongga ni Sharon Cuneta ang photo online na direktang may kunek sa kanya.

The picture shows a buffet table with her picture.

May markang X ito na ang ibig sabihi’y mahigpit na ipinagbabawal ang mag-take home ng mga handa.

Ini-repost ng Megastar ang larawan at saka nilakipan ng caption.

“Hahahaha! Seeing this picture with buffet makes me happy! I love you. Have a blessed day!” anang caption ng singer-actress.

May direktang kunek kay Sharon ang “bawal magbalot” policy na ipinatutupad sa mga handaan.

Hango ito sa linya ng kanyang awiting Bituing Walang Ningning which goes: “Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal…”

Maging si Sharon nga’y sinakyan mismo ang patakarang ito.

Kung matatandaan, sa pinakaunang episode ng Eat Bulaga nang lumipat sa TV5 ay nagbalot ang invited guest na si Sharon ng mga nakahandang putahe sa buffet table.

Nag-spill over na rin sa ordinaryong buhay ng mga kababayan natin ang “bawal magbalot” policy.

Iniiwasan kasing magbalot ang mga bisita lalo na kung hindi pa nakakain ang mga taong nasa okasyon. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here