Home METRO P92-M emergency room ng ospital sa Bacolod, ibinida

P92-M emergency room ng ospital sa Bacolod, ibinida

187
0

BACOLOD CITY, Philippines – Inilunsad ng Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital (CLMMRH) sa Negros ang kanilang pinahusay na Emergency Department (ER) nitong Biyernes, bago ang opisyal na re-opening sa susunod na linggo.

Ang halos P92-milyong renovation project, na pinondohan ng pamunuan ng ospital, ay nagtapos sa tatlong buwang pansamantalang pagsasara ng ER simula noong Setyembre.

Ayon kay Dr. Joan Cerrada, medical center chief ng CLMMRH, inaasahan ng publiko ang mas maayos na karanasan sa pasyente sa bago at mas episyenteng ER. “They can expect better patient experience. That’s what we are trying to do,” ani Cerrada.

Ang ER ng CLMMRH ay tumatanggap ng 80 hanggang 120 pasyente araw-araw, may 65 kama at 29 stretcher. Nagdagdag din sila ng mga bagong empleyado at housekeeping staff upang suportahan ang operasyon ng pinahusay na departamento.

Ayon sa pamunuan, ang bagong ER ay idinisenyo upang pabutiin ang daloy ng pasyente, palakasin ang kritikal na care response, at magbigay ng mas ligtas at dignified na kapaligiran para sa pasyente at healthcare workers.

“Sa upgraded facilities at mas maayos na sistema, pinapalakas ng CLMMRH ang papel nito bilang tertiary referral hospital na kayang tugunan ang lumalaking pangangailangan sa emergency healthcare sa rehiyon,” dagdag pa nila. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here