LEGAZPI CITY, Philippines – Inutusan ng local government ng Legazpi City ang evacuation ng mga alagang hayop mula sa 6-kilometrong permanent danger zone (PDZ) dahil sa patuloy na pag-aalboroto ng Mayon Volcano.
Napansin ng LGU na may ilang residente pa ring bumabalik sa PDZ para pakainin ang kanilang mga hayop, kahit delikado ito.
Kaya naman, nag-set up ang LGU ng temporary evacuation area sa labas ng PDZ.
Ayon sa LGU, bibigyan ng pagkain, bitamina, at bakuna ang hindi bababa sa 70 baka at kalabaw habang naroon sa pansamantalang evacuation site.
Nanatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon at patuloy ang lava dome, lava flow, volcanic quakes, at pyroclastic density currents (PDC). RNT/MND