Home NATIONWIDE Obrerong sinapian arestado sa pagpatay sa dating live-in partner

Obrerong sinapian arestado sa pagpatay sa dating live-in partner

202
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang isang construction worker sa Camarines Sur na pumatay umano sa dating live-in partner nito dahil sa matinding selos.

Ayon kay PLtCol. Aleli Buaquen, hepe ng Lipa City Police Station, ang 37-anyos na suspek ay sumuko sa Tinambac Municipal Police Station matapos mapagtanto na siya ay makokorner na habang papauwi sa kanyang hometown sa Barangay Tamiawon, Garchitorena.

Nadiskubre ang bangkay ng 17-anyos na biktima sa madamong bahagi ng Purok 6, Barangay Sico, Lipa City, noong Huwebes ng hapon.

Naunang iniulat ang biktima na nawawala matapos magpaalam sa pamilya na dadalo sa isang birthday party Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Buaquen, umamin ang suspek na sinakal ang dating kinakasama matapos umanong sapian ng masamang espiritu.

Sinabi pa ng pulisya na nagtungo ang suspek sa bahay ng biktima para magbigay ng financial support sa kanilang anak ngunit nagselos nang madiskubre na ang dating karelasyon ay mayroon nang bagong karelasyon na isang tibo. Dito na nauwi sa pananaksak ang insidente.

Nahaharap ang suspek sa reklamong murder. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here