Home NATIONWIDE Walang signal jamming sa Iloilo sa Dinagyang Festival

Walang signal jamming sa Iloilo sa Dinagyang Festival

258
0

MANILA, Philippines – Sa ikatlong sunod na taon ay hindi ilalagay sa signal jamming ang mga key event area para sa Dinagyang Festibal.

Ito ay matapos na kontrahin ni Mayor Raisa Treñas-Chu ang rekomendasyon ng Iloilo City Police Office (ICPO) para sa shutdown ng telecoms network sa naturang pista dahil sa maaaring maidulot na inconvenience nito sa mga residente at mga bisita.

“We want to avoid what happened in previous years, that there were no signals in neighboring towns and in Guimaras [province], which caused great inconvenience to residents and visitors alike,” ayon pa sa alkalde.

Sinabi ni Treñas-Chu na hiniling niya na lamang ang mahigpit na security measures sa halip na signal jamming.

Ipinatutupad din ang gun ban sa lungsod sa kabuuan ng selebrasyon ng Dinagyang Festival. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here