Home METRO Bulkang Mayon nagtala ng 253 rockfall sa loob ng 24 oras

Bulkang Mayon nagtala ng 253 rockfall sa loob ng 24 oras

186
0

ALBAY, Philippines – Nananatili sa Alert Level 3 ang Mayon Volcano at nagtala ng 253 rockfall events, isang volcanic earthquake, at isang episode ng tuloy-tuloy na pagyanig sa loob ng 24 oras mula alas-12 ng madaling araw ng Enero 24 hanggang alas-12 ng madaling araw ng Enero 25, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon pa sa Phivolcs, nakapagtala rin ng 44 pyroclastic density currents sa parehong panahon ng pagmamanman.

Sinukat ang sulfur dioxide emissions ng bulkan sa 2,327 tonelada kada araw noong Enero 24.

Sinabi ng ahensya na malinaw na nakikita ng mata ang crater glow.

Umabot naman sa humigit-kumulang 600 metro sa itaas ng bunganga ng bulkan ang usok na may katamtamang pagbuga na tinangay patimog-kanluran at patimog-silangan.

Ipinakita rin ng datos sa ground deformation na nananatiling namamaga ang estruktura ng bulkan.

Muling nagbabala ang Phivolcs sa publiko na manatili sa labas ng anim na kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) at iwasan ang hindi awtorisadong pagpasok sa Extended Danger Zone (EDZ).

Hindi rin pinapayagan ang mga sasakyang panghimpapawid na lumipad malapit sa bulkan.

Sa ilalim ng Alert Level 3, posibleng panganib ang rockfalls, landslides o avalanches, ballistic fragments, lava flows at lava fountaining, pyroclastic density currents, katamtamang pagsabog, at lahar na dulot ng pag-ulan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here