Home TOP STORIES Libu-libo nagprotesta sa Paris sa pagkasawi ng immigrant sa kustodiya ng pulisya

Libu-libo nagprotesta sa Paris sa pagkasawi ng immigrant sa kustodiya ng pulisya

254
0
via AFP

PARIS, France – Libu-libong tao ang nagprotesta sa Paris nitong Linggo kasunod ng pagkamatay ng isang Mauritanian immigrant, habang nasa kustodiya ng pulisya.

Sumisigaw ang mga demonstrador laban sa “police force that kills us” at nagdala ng mga banner na may nakasulat na “Justice” at “RIP.”

Ayon sa pamilya ni El Hacen Diarra, 35, isang Mauritanian immigrant, ito ay mabait at tahimik, hindi gaya ng sinasabi ng pulis na agresibo.

Nakuhanan sa video ang isang pulis na nanipa sa kanya habang nakahiga sa lupa, habang nakamasid ang isa pa.

Nagsampa naman ang pamilya ng reklamo laban sa mga pulis dahil sa “intentional violence that led to a death.”

Naglunsad ang Paris police ng internal investigation, ngunit tinanggihan ng Interior Minister Laurent Nunez ang panawagan na suspendihin ang mga opisyal hangga’t walang malinaw na ebidensya.

Ang dahilan ng pagkamatay ni Diarra ay kasalukuyang iniimbestigahan.

Ang kaso ay bahagi ng lumalalang isyu ng police violence at alegasyon ng rasismo sa France, kung saan kakaunti lamang ang nagreresulta sa paglilitis sa korte. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here