MANILA, Philippines – Inalala ng Philippine National Police ang 44 Special Action Force (SAF) personnel na nasawi sa operasyon laban kay Malaysian terrorist Marwan sa Mamasapano, Maguindanao del Sur noong 2015, sa ika-11 National Day of Remembrance nitong Linggo.
Nagsagawa ng commemoration ang Police Regional Office-2 sa SAF 44 Monument sa Tuguegarao City, Cagayan, kasama ang pamilya ng anim na SAF 44 troopers mula sa Cagayan Valley.
Pinangunahan ni PRO-2 Director Brig. Gen. Antonio Marallag Jr. ang wreath-laying ceremony.
Sa mensahe ni PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., sinabi niya: “No words can truly ease your pain… We honor them with you, and we stand with you. Their names live on in our history and in every police officer who chooses courage, restraint, and integrity in the line of duty.”
Nagdaos rin ng sabayang pagpaparangal sa iba pang rehiyon tulad ng PRO-3 sa Pampanga at PRO-Cordillera sa Baguio, kabilang ang 21-gun salute, volley firing, at blessing ng SAF Memorial.
Ang obserbansya ay ayon sa Proclamation No. 164 na nagtatag ng National Day of Remembrance ng SAF 44 noong 2017. RNT/MND







