Home HOME BANNER STORY Ikalawang impeachment complaint vs Marcos, muling inihain sa Kamara

Ikalawang impeachment complaint vs Marcos, muling inihain sa Kamara

189
0

MANILA, Philippines – Muling nagtungo sa Office of the House Secretary General nitong Lunes ang mga kasapi ng progresibong grupo at mga kongresista ng Makabayan bloc upang muling ihain ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Noong nakaraang linggo, naihain na ang kopya ng reklamo sa nasabing tanggapan ngunit hindi ito tinatakan bilang received dahil wala ang House Secretary General noon.

Ayon sa Makabayan bloc, inakusahan si Marcos ng pagtataksil sa tiwala ng publiko dahil umano sa pagsingit ng mga proyekto sa pambansang badyet na naglalayong ilihis ang pondo patungo sa mga kaalyado.

Lumalala rin umano ang galit ng publiko kaugnay ng tinaguriang “ghost infrastructure projects,” lalo na matapos malubog sa baha ang ilang bayan sa bansa dahil sa malalakas na bagyo nitong nakaraang taon.

Iginiit naman ni Marcos na siya ang nagbukas ng isyu tungkol sa mga ghost project at itinulak ang mga imbestigasyon na nagdawit sa ilang may-ari ng construction firms, opisyal ng gobyerno, at mambabatas.

Sa ilalim ng Saligang Batas ng Pilipinas, kapag inaprubahan ng House of Representatives ang articles of impeachment, magsisimula ang paglilitis sa Senado. Kapag napatunayang nagkasala, maaaring matanggal sa puwesto ang opisyal at maharap sa diskwalipikasyon sa mga susunod na posisyon sa gobyerno. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here