MANILA, Philippines – Inihain ng Makabayan coalition ang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa umano’y betrayal of public trust dahil sa korapsyon sangkot ang flood control projects at iba pa.
Ang reklamo ay tinanggap ni House Secretary General Cheloy Garafil.
Noong nakaraang linggo, sinubukan ng mga complainant na pinamunuan ng Bagong Alyansang Makabayan na maghain ng reklamo ngunit tumanggi ang opisina ng Office of the Secretary General na tanggapin ito dahil si Garafil ay nasa Taiwan para tumanggap ng award at walang awtorisadong tumanggap ng reklamo.
Ayon sa Bayan, ang impeachment complaint ay batay sa grounds ng betrayal of public trust.
Inakusahan din nito si Marcos na gumawa ng tatlong impeachable acts kabilang ang adoption ng Baselined-Balanced-Managed (BBM) Parametric Formula sa alokasyon ng infrastructure projects na nagresulta sa “ghost”, substandard, at overpriced flood management projects.
Dagdag pa, inakusahan din ng mga ito ang Pangulo na inaabuso ang kanyang kapangyarihan sa paggamit ng unprogrammed appropriations, at pakikinabang mula sa kickback scheme sa flood control mess. RNT/JGC