Home NATIONWIDE MMDA, magpapatupad ng 5-minute response sa mga aksidente sa kalsada

MMDA, magpapatupad ng 5-minute response sa mga aksidente sa kalsada

243
0

MANILA, Philippines – Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng five-minute response policy para sa mga aksidente sa kalsada, ayon kay MMDA General Manager Nicolas Torre III nitong Lunes.

“Ila-launch namin ito — last week na ito ng training at dry-testing — ‘yung five minute-response namin sa lahat ng mga kalsada,” pahayag ni Torre.

“Alam natin ang mga kalsada as it is ay congested na. Mas lalong magiging congested ‘yan kapag may banggaan,” dagdag pa niya.

Batay sa TomTom Traffic Index 2025, ang Pilipinas ang may pinakamataas na antas ng traffic congestion sa buong Asya. Naitala ang 45% congestion level sa bansa, na mas mataas kaysa sa India at Singapore na parehong may 37%.

Tiniyak naman ni Torre sa publiko na patuloy na kumikilos ang MMDA upang matugunan ang problema sa trapiko.

“Rest assured ang MMDA po ay nagtatrabaho para maghanap ng solusyon para sa ating kalbaryo na araw-araw ay dinaranas,” ani Torre. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here