Home NATIONWIDE 33 bahay naabo sa sunog sa Bacolod

33 bahay naabo sa sunog sa Bacolod

204
0

MANILA, Philippines – Naabo ang nasa 33 bahay sa dalawang sunog na sumiklab sa Bacolod City, kung saan naapektuhan ang 187 indibidwal, ayon sa Department of Social Services and Development (DSSD) nitong Linggo, Enero 25.

Ayon kay DSSD head Richelle Verdeprado-Mangga, ang unang sunog ay sumiklab Sabado ng hapon sa Purok Tambipalad, Barangay 10, na tumupok sa 30 bahay at sumira sa apat iba pa.

Tinatayang nasa P237,500 ang pinsala sa ari-arian sa unang sunog ayon sa pagtaya ng Bureau of Fire Protection (BFP)–Bacolod.

Samantala, naganap naman ang ikalawang sunog 4:44 ng hapon ng Linggo sa Purok 3 Batad, Sitio Magsungay, Barangay Singcang-Airport.

Ani Verdeprado-Mangga, natupok naman sa ikalawang sunog ang tatlong bahay at nakasira ng lima iba pa apektado ang 11 pamilya o 38 indibidwal.

Problema sa kuryente ang naging sanhi ng sunog ayon sa imbestigasyon ng BFP.

Nagpaabot na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here