MANILA, Philippines – INANUNSYO ng Malakanyang na matatanggap na ngayong buwan ng mga kawani ng pamahalaan ang kanilang umento sa sahod na bunga ng 3rd tranche ng Salary Standardization.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na base ito sa National Budget Circular 601 na ini- release ng Budget Department.
Aniya pa, ang umento sa sahod ng mga taga- gobyerno ay alinsunod din sa pagtalima ng DBM sa Executive Order 64 series of 2024 hanggang 2027 na naglalayong pagandahin ang kalagayan ng mga government employees at palakasin ang civil service.
Ang salary increase aniya ay ibabase sa salary grade ng bawat empleyado ng pamahalaan as of December 31, 2025.
Sa kabilang dako, kasama sa increase ang mga regular, casual, contractual gayundin ang appontees, elective, part time o full time man sa Executive, legislative at judicial branch.
Sinabi pa ni Castro na kasama din sa makatatanggap ng salary increase ang constitutional commissions and offices, State universities and colleges at GOCC na hindi saklaw ng RA 10149 at EO 95 series of 2025. Kris Jose