ISRAEL – Pumayag na ang Israel sa “limited reopening” ng Rafah border crossing sa pagitan ng Gaza at Egypt sa oras na marekober na nito ang labi ng mga huling hostage sa Palestinian territory.
Ang pagbubukas ng Rafah na vital entry point ng tulong patungong Gaza ay bahagi ng truce framework na inanunsyo ni US President Donald Trump noong Oktubre.
Paulit-ulit na hinihimok ng mga bumibisitang US envoys ang mga opisyal sa Israel na buksan na ang crossing.
Ganito rin ang panawagan ng mga world leader at aid agencies para sa mas maraming humanitarian convoys na makakapasok sa Gaza na nagkukulang na sa mga medical equipment, pagkain at iba pang suplay dalawang taon matapos sumiklab ang giyera.
Sinabi ng opisina ni Prime Minister Benjamin Netanyahu na ang Israel ay pumayag sa reopening “for pedestrian passage only, subject to a full Israeli inspection mechanism”.
Ang hakbang ay dedepende sa “return of all living hostages and a 100% effort by Hamas to locate and return all deceased hostages”, sinabi pa.
Ginagalugad ng Israeli military ang mga sementeryo sa Gaza Strip para sa labi ng mga natitirang hostage.
“Upon completion of this operation, and in accordance with what has been agreed upon with the US, Israel will open the Rafah Crossing.”
“For Palestinians in Gaza, Rafah is more than a gate, it is a lifeline and a symbol of opportunity,” anunsyo naman ng newly appointed administrator ng Gaza na si Ali Shaath, sa World Economic Forum sa Davos noong Huwebes. RNT/JGC