Home ENTERTAINMENT Daniel at Kaila, spotted sa El Nido, over sa PDA!

Daniel at Kaila, spotted sa El Nido, over sa PDA!

335
0

Manila, Philippines – PDA kung PDA.

Wala na talagang itinatago sina Daniel Padilla at Kaila Estrada–all out na sila para iproklamang they’re now a certified couple.

Naghatid nga ng kilig sa social media ang ilang larawan nilang magkasama.

Particular on X (dating Twitter), hindi magkandatuto ang mga supporters ng dalawa.

Wala na ngang mas nakakakilig kesa sa sighting kina Daniel at Kaila sa El Nido sa Palawan.

Bale ba, paboritong island destination pala nila ‘yon–na nagmistulang paraiso with them on it.

May stolen video kung saan pinapahiran ng sunscreen lotion ni Daniel ang likod ni Kaila.

Walang kaalam-alam ang dalawa na “nakaiskor” ang isang matinik na netizen.

As for the so-called KaiNiel, keber na sila sa kanilang PDA–itinapon na din nila ang kanilang hiya off the Palawan waters!

In fairness, magiliw namang nagpaunlak si Kaila sa ilang tourists who requested for a photo opp with her.

llan lang sa mga panakaw na ganap ng KaiNiel ay ang resto jamming nila with friends and boat adventure.

May shot pa si Kaila sa kanyang pag-dive mula sa bangka, while Daniel was photographed looking at the bottle of a local beer.

O, what’s there to hide pa?! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here