Home HOME BANNER STORY PCG: Lumubog na RoRo sa Basilan ‘di overloaded

PCG: Lumubog na RoRo sa Basilan ‘di overloaded

237
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi overloaded ang RoRo vessel na MV Trivia Kenshin 3 na lumubog habang naglalayag patungong Jolo, Sulu madaling araw ng Lunes, Enero 26.

Sa ulat ng PCG, ang passenger cargo-vessel na pinapatakbo ng Aleosan Shipping ay may sakay na 332 pasahero at 27 crew nang mangyari ang insidente sa 2.75 nautical miles northeast ng Baluk-Baluk Island, Basilan.

Kabuuang 317 ang nasagip habang 18 ang casualty at 24 ang patuloy na pinaghahanap.

Sa inisyal na imbestiagsyon, umalis ang barko sa Port of Zamboanga City, alas 9:20 ng gabi ng Linggo kung saan may maximum capacity ang barko na 352.

Agad namang nakaresponde ang BRP Tubbataha (MRRV-4401) mula Zamboanga City kung saan isinagawa ang rescue operations.

Tumulong din ang Armed Forces of the Philippines, ilang ahensya ng gobyerno at local government units.

Hindi pa masagot ng PCG kung ano ang lagay ng panahon nang mangyari ang insidente dahil nagpapatuloy pa umano ang kanilang masusing imbestigasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here