Home NATIONWIDE Grupo ng mga kabataan sumugod sa DOJ vs ‘gawa-gawang’ kaso sa September...

Grupo ng mga kabataan sumugod sa DOJ vs ‘gawa-gawang’ kaso sa September 21 rally

240
0

MANILA, Philippines – Sumugod sa tanggapan ng Department of Justice ang mga militanteng kabataan para tuligsain ang umano’y gawa-gawang kaso laban sa mga raliyista noong September 21, 2025.

Sigaw ng grupo na ibasura ang ang mga reklamong sedition na inihain ng PNP-CIDG sa ilang kabataan dahil sa marahas na protesta laban sa korapsyon.

Kabilang sa kanila si Aldrin Kitsune na isa sa inisyuhan ng subpoena para sa imbestigasyon ng PNP CIDG.

Giit ni Kitsune na siyang student leader at Secretary general ng Kalayaan Kontra Korapsyon na walang basehan ang mga reklamo.

Ayon kay Kitsune, dapat ang mga sangkot sa korapsyon ang panagutin kaugnay sa maanomalyang flood control projects at pagnanakaw sa kaban ng bayan at lumalabag sa karapatang pantao.

Giit pa ng student leader, naghahayag lamang ng galit ang taumbayan at wala namang isasagawang kilos protesta sa lansangan kung walang nangyayaring lantarang korapsyon sa gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here