Home NATIONWIDE Hotline ng CIDG nakatanggap ng 40 tips sa paghahanap kay Atong Ang

Hotline ng CIDG nakatanggap ng 40 tips sa paghahanap kay Atong Ang

234
0

MANILA, Philippines – Nakatanggap ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng 40 tips sa hotline nito kaugnay sa paghahanap sa gambling tycoon na si Atong Ang na wanted sa kidnapping kaugnay sa pagkawala ng nasa 34 sabungero.

Ang tip ay nagturo karamihan sa mga lokasyon sa Cavite, Batangas at Laguna, habang ang iba ay nagturo sa mga eksaktong lokasyon sa Bicol Region at National Capital Region (NCR), pagbabahagi ni CIDG National Capital Region (NCR) Chief Col. John Guiagui.

“What they saw was before the warrant of arrest was issued. They saw him alight from a car, go to a game fowl farm. Another delivered him expensive seafood,” pahayag ni Guiagui.

Ginalugad ng CIDG NCR ang 14 lokasyon sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon ngunit bigo pa ring matunton si Ang.

Kabilang sa mga manhunt na ito ay ang isang bahay sa Pasig City, dalawang property sa Mandaluyong at isang penthouse sa Quezon City.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang tatlong karagdagang lokasyon sa Metro Manila ngunit tumanggi si Guiagui na magbigay ng karagdagang detalye dahil nagpapatuloy pa ang operasyon.

“They really prepared for this. When I entered his house, it was really clean already,” giit ng CIDG NCR chief. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here