Home NATIONWIDE UPDATE: Walang gale warning, storm signal sa paglubog ng RoRo sa Basilan...

UPDATE: Walang gale warning, storm signal sa paglubog ng RoRo sa Basilan – PCG

242
0

MANILA, Philippines – Walang gale warning o signal ng sama ng panahon sa lugar kung saan lumubog ang isang passenger cargo vessel na M/V Trisha Kenshin 3, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni PCG Spokesperson Captain Noemie Cayabyab na ang tinitignan na isang factor o dahilan ng paglubog ng barko ay ang weather condition kung saan medyo maalon sa lugar sa Baluk-Baluk Island, Basilan.

Base aniya sa inisyal na pahayag na nakuha ng PCG, nagkaroon ng sira at walang nakataas na gate warning sa lugar at wala ring storm signal.

Ayon pa kay Capt. Cayabyab, ang nakikitang isa pang dahilan ay ang Amihan kung saan ang posibilidad kapag nakalabas sa open sea ay talagang maalon.

“So as to other reason po or cases sa insidente ng ito would be subject for investigation,” ani Cayabyab.

Umalis ang M/V Trisha Kerstin 3 sa Port of Zamboanga 9:20 ng gabi ng Linggo at nangyari ang trahedya 1:50 ng madaling araw ng Lunes habang patungo naman ng Jolo, Sulu.

Nagpapatuloy ang search na rescue operations ng PCG katuwang ang ilang ahensya ng gobyerno para mahanap ang mga nawawalang mga pasahero.

Sa naunang ulat, umakyat na sa 317 ang nasagip, 18 ang casualty at 24 ang pinaghahanap. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here