Home NATIONWIDE Wala pang naoobserbahang oil spill sa lumubog na RoRo sa Basilan

Wala pang naoobserbahang oil spill sa lumubog na RoRo sa Basilan

203
0

MANILA, Philippines – Wala pang naoobserbahang oil spill sa baybayin kung saan lumubog ang passengers cargo vessel na M/V Trivia Kenshin 3.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagpapatuloy pa ang search and rescue operations at imbestigasyon sa nangyaring sakuna.

Pagdating naman sa kung tugma ang bilang sa manipesto sa nakalista sa PCG at sa sakay ng barko, sinabi ni PCG Spokesperson Captain Noemie Cayabyab na nagpapatuloy ang kanilang beripikasyon ngunit nilinaw na mali ang kumakalat na impormasyon na ito ay overloading.

Paliwanag ni Capt. Cayabyab, 352 ang maximum passengers capacity ng barko ngunit ang sakay lamang nito ay 332.

Kasama rin sa iniimbestigahan ng PCG kung maayos na naisakay sa cargo hold ang mga sasakyan na posibleng dahilan din ng paglubog ng RoRo vessel. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here