Home HOME BANNER STORY Japan, Australia nagpaabot ng pakikiramay sa Basilan tragedy

Japan, Australia nagpaabot ng pakikiramay sa Basilan tragedy

189
0

MANILA, Philippines – NAGPAABOT ng pakikidalamhati ang mga bansang Japan at Australia sa mga pamilya na nasawi mula sa lumubog na RORO ferry vessel sa dagat ng Basilan dahilan ng pagkasawi ng 15 katao.

“My heartfelt sympathies go out to all those affected by the sinking of the M/V Trisha Kerstin 3 ferry in the southern Philippines. Japan stands with you during these difficult times and hopes for the swift rescue and recovery of the passengers and crew members,” ang sinabi ni Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya sa kanyang post sa X.

Sa ulat, may 15 katao ang nasawi sa 352 indibidwal na sakay ng lumubog na passenger-cargo vessel sa dagat na sakop ng Basilan kaninang madaling araw, Enero 26.

Kumpirmadong 15 sa mga sakay ng M/V Trisha Kerstin 4, na pag-aari ng Aleson Shipping, ang namatay sa trahedya na naganap bago mag-alas-2 ng madaling arw.

Nabatid na may sakay na 332 na pasahero at 27 tripulante ang naturang sasakyang-pandagat nang lumubog malapit sa Baluk-Baluk Island na sakop ng Basilan.

Umalis ito ng Port of Zamboanga City alas-9:20 kagabi, January 25 at patungo sa Jolo, Sulu.

Agad na rumesponde ang BRP Tubbataha (MRRV-4401) ng Phillipine Coast Guard (PCG) mula sa Zamboanga City.

Ilan sa mga nakaligtas ay ibinalik sa Zamboanga at ang iba naman ay dinala sa Basilan.

Wala pang naoobserbahan na oil spill sa bahagi ng dagat kung saan lumubog ang roll-on/roll-off ferry vessel, ayon sa Cost Guard District Southwestern Mindanao.

Samantala, nagpaabot din si Australian Ambassador Marc Innes-Brown ng kanyang pakikidalamhati sa pamilya ng mga nasawi.

“Our thoughts are with those killed and injured, as well as their loved ones, following the ferry sinking in the southern Philippines last night. Our deepest condolences,” aniya pa rin. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here