Home NATIONWIDE EDCOM report gagamitin ng Kamara sa pagbalangkas ng polisiya para sa edukasyon-...

EDCOM report gagamitin ng Kamara sa pagbalangkas ng polisiya para sa edukasyon- Speaker Dy

209
0

MANILA, Philippines – Kumpiyansa si House Speaker Faustino “Bojie” Dy na makatutulong ng malaki sa pagresolba sa mga problema sa sektor ng edukasyon ang nabakangkas na Second Congressional Commission on Education (EDCOM II).

Pinangunahan ni Dy ang turnover sa EDCOM Final Report sa Kamara.

Sa kanyang talumpati sa turnover ceremony sinabi ni Dy na gagamitin bilang framework ng Kamara sa paggagaws nito ng batas ang report ng EDCOM II.

“Ang ulat na inilulunsad natin ngayon ay hindi simpleng pagtatapos ng isang komisyon. Ito ay isang paninindigan ng pamahalaan—isang tapat, malinaw at walang-palusot na pagharap sa tunay na kalagayan ng edukasyon sa bansa,” ani Dy.

Ang EDCOM II ay binuo para magsagawa ng systemwide review sa kalagayan ng edukasyon sa bansa.

Nakapaloob sa kanilang Final Report ang long-term roadmap na nakasentro sa pagpapalakas ng pagtuturo sa mga paaralan at pagtiyak na magkakaroon ng “education-to-employment pathways.”

“Ipinapakita ng Final Report ng EDCOM II na ang krisis sa edukasyon ay hindi bago. Matagal na nating kinakaharap ang mababang literacy rate, mahinang pundasyon sa mga unang taon, at kulturang inuuna ang proseso kaysa tunay na pagkatuto,” pahayag ni Dy.

“Ang kaibahan ngayon, malinaw na inilalatag ng ulat ang landas kung paano ito tutugunan,” giit nito.

Bilang lider ng Kamara, sinabi ni Dy na hawak na niya at ng kanyang mga kapwa mambabatas ang bola para gamitin ang mga rekomendasyon ng EDCOM II at tiyakin na maiimplenta ito upang mabago at mapalakas ang edukasyon sa bansa.

“Ngayon, responsibilidad natin sa Kongreso na tiyaking ang mga rekomendasyong ito ay hindi mananatiling nasa papel lamang,” paliwanag nito.

“Tinatanggap ng Kapulungan ang ulat na ito bilang gabay sa patuloy na paggawa ng mga batas, sa masusing oversight, at sa matalinong paggastos ng pondo ng bayan—para sa tunay na pagkatuto ng bawat batang Pilipino,” pagtatapos pa ni Dy.

Sinabi pa ni Dy na sa ilalim ng Marcos administration ay una ang edukasyon, patunay dito ang P1.34 trillion na alokasyon sa 2026 budget kaya naman patuloy ang trabaho ng Kamara para makabalangkas ng mga batas para sa education sector. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here