Home NATIONWIDE DSWD: Viral na sirang relief goods, AI-generated, fake news!

DSWD: Viral na sirang relief goods, AI-generated, fake news!

270
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) laban sa isang AI-generated na video na kumakalat sa social media na naglalaman ng maling pahayag na sira na ang relief goods na ibinabahagi ng ahensya.

Sa isang Facebook post, itinanggi ng DSWD ang mga claim sa video at iginiit na sumusunod ang kanilang relief operations sa mahigpit na pamantayan at proseso.

Nagpaalala rin ang ahensya na may mga nilalaman ngayon na gumagamit ng artificial intelligence upang magmukhang totoo at linlangin ang publiko.

Kasama sa post ang screenshot ng diumano’y pekeng video na nag-aangkin na spoiled na ang mga relief goods ng DSWD.

Muling pinatunayan ng ahensya ang kanilang paninindigan sa “malinaw, maayos, at makataong” pamamahagi ng tulong at hinimok ang publiko na huwag basta maniwala o mag-share ng maling impormasyon upang maiwasan ang kalituhan.

Pinayuhan din ng DSWD ang publiko na sundan ang kanilang opisyal na social media accounts at website para sa tamang impormasyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here