Home METRO Higit 40 bahay naabo sa 3 sunog sa Bacolod

Higit 40 bahay naabo sa 3 sunog sa Bacolod

194
0

MANILA, Philippines – Sumiklab ang tatlong sunog sa Bacolod City na tumupok sa mahigit 40 bahay, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Naganap ang unang sunog sa Barangay 26 madaling araw ng Lunes, Enero 26.

Ayon sa imbestigasyon, maaaring sanhi ng ilegal na pag-tap ng kuryente ang apoy, na sumira sa hindi bababa sa 13 bahay. Ang bahay na pinagmulan ng sunog ay matagal nang walang nakatira.

Sinabi ni Councilman Sunny Barrientos, isa sa mga biktima, na may nagta-tap ng wiring sa harap ng bahay at nakasaksak ito sa main connection.

Ang ikalawang sunog ay naganap sa Barangay Singcang Airport noong Enero 25 habang ginaganap ang Ati-atihan Festival sa Sitio Magsungay. Naganap ang apoy sa Purok Batad at nakapinsala sa tatlong bahay. Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog sa bahay ng pamilya Sanz dahil sa sobrang init ng ceiling fan.

Samantala, nagkaroon ng ikatlong sunog sa Barangay 10 noong Enero 24 na nagdulot ng paglikas sa mahigit 130 katao. Dalawampu’t dalawang bahay sa 27 ang nasira. Sinabi ni Fire Insp. Jemarie Tapiru na walang kuryente ang bahay na pinagmulan ng apoy kaya posibleng sanhi nito ang nakabukas na kandila.

Sinabi ng mga biktima na wala silang naiwan na gamit, habang binigyang-diin ng BFP na ang mga apektadong lugar ay kabilang sa fire-prone o red zone. Mary Ann Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here